Pinaratangan ng Prime Minister ng Canada ang China ng pangingialam nito sa kanilang halalan.
Inakusahan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang Beijing ng pagsasagawa ng isang “aggresive games” sa kanilang demokrasiya at pagtarget sa mga institusyon ng Canada.
Ang naturang pahayag ni Trudeau ay matapos tukuyin ng Canadian intelligence ang isang lihim na network ng mga kandidato na sinusuportahan umano ng Beijing sa nakalipas na halalan.
Kung saan nasa 11 kandidato ang sinuportahan ng China noong 2019 federal elections.
Nabatid na idinirekta umano ng Beijing ang pondo sa mga kandidato at ang mga Chinese operatives ang tumatayong campaign advisers sa maraming kandidato.
Isa dito ang pondong C$250,000 (£160,000) na direktang ibinigay sa opisina ng isang Ontario-based provincial Member of Parliament.