-- Advertisements --

Labis na nagulat si Denmark Prime Minister Mette Frederiksen matapos na ito ay atakihin habang naglalakad sa Copenhagen.

Nangyari ang insidente sa square sa sentro ng lungsod kung saan habang naglalakad ay inatake siya ng lalaki.

Napatumba ang Prime Minister na tinulungan ito ng ilang mga tao doon.

Mabilis naman na naaresto ng mga otoridad ang nasabing suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo ng nasabing suspek sa pag-atake.