-- Advertisements --
Pinagbawalang makalabas ng kanilang bansa si Haiti Prime Minister Ariel Henry.
Ito ay dahil sa kasong kinasasangkutan niya ukol sa pagpatay kay President Jovenel Moise.
Nais linawin ng piskalya ang ugnayan ni Henry sa naarestong suspek na si Joseph Felix Badio.
Mayroon kasing ebidensiya ang korte na makailang beses na tinawagan ni Henry si Badio ilang oras bago ang naganap na assassination sa kanilang pangulo.
Magugunitang pinagbabaril sa kanilang bahay si Moise noong Hulyo 7 kung saan nakaligtas ang kaniyang asawa.