Hindi pinahintulutan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanhayu ang mungkahi ng Estados Unidos sa ideya na two-state solutions pagkatapos ng giyera sa Gaza.
Base sa two-state party, kung mabibigyan na ng sariling estado ang Palestine, magkakaroon na ng kontrol ang Palestine pagkatapos ng giyera sa naturang teritoryo.
Ayon sa US, isang hakbang ang pagdeklara sa Palestine bilang estado para magkaroon ng matatag na seguridad at kapayapaan sa Palestine, pagkatapos ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ngunit sinabi ni Prime Minister Netanhayu, na kinakailangan na magkaroon ng “full security control” ang Israel sa Gaza pagtapos ng giyera.
Aniya, hangad lamang niya na magkaroon ng matatag na seguridad ang kanilang bansa.
Dagdag pa ni Netanhayu na bagamat mayroong magandang samahan ang Israel at US, hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasang-ayunan niya ang mga mungkahi nito, lalo na kung para sa seguridad ng kanilang bansa.
Kung babalikan, noon pa man ay mariin nang tunututulan ng prime minister ang ideya ng two-state party.
Samantala, nilinaw naman ni US Department of State spokesperson Matthew Miller na bagamat magkaiba ang opinyon ng dalawang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan, nananatili pa rin matibay ang samahan ng US at Israel.