-- Advertisements --

Isinailalim umano ng military forces sa house arrest si Sudan Prime Minister Abdalla Hamdok.

sudan

Ito ang kinumpirma ng Ministry of Information sa kanilang anunsiyo sa social media.

Sinasabing pinaligiran ng mga sundalo ang bahay ng kanilang prime minister.

Ayon pa sa Information Ministry magung ang ilang mga government ministers at officials ay inaresto na rin ng militar.

Habang inokupahan din ang Sudan state broadcaster sa kalapit na siyudad na Omdurman.

Samantala naglabas din ng mensahe ang prime minister na nanawagan sa kanyang mga kababayan na idaan sa mapayapang paraan ang pagpoprotesta at okupahan ang mga kalsada para depensahan ang kanilang sariling rebolusyon.

Liban sa prime minister ang iba pang inaresto ng “joint military forces” ay ilan pang civilian ministers ng Sudan’s transitional government at mga miyembro ng Sudan’s sovereign council.

Samantala suspendido na rin ang mga flights mula sa Khartoum International Airport.

Maging ang internet ay apektado rin o na-shutdown.

Bago pa mana ng kudeta nitong araw merong umiiral na sharing of powers ang militar at civilian groups sa naturang east African country na tinaguriang Sovereign Council mula nang mapatalsik din ang matagal ng dating presidente na si Omar al-Bashir noong taong 2019.