-- Advertisements --
Muling pinaupo si Prime Minister Abdalla Hamdok ng Sudan.
Ito ay matapos ang isang buwan ng ilagay siya sa house arrest ng agawin ng militar ang pamumuno sa gobyerno.
Pumayag ito ng power-sharing kay coup leader General Abdel Fattah al-Burhan.
Mula kasi noong Oktubre 25 ng ideklara ng military ang state of emergency at pagtanggal ng civilian leadership ay aabot na sa 40 katao na ang nasawi dahi sa mass protests.
Sinabi ni Hamdok na kaya ito nakipagkasundo sa coup leader ay para matigil na ang nagaganap na kilos protesta.
Maraming mga political experts naman ang duda sa sinsiridad ng mga sundalo.