Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Swedish Prime Minister Stefan Lofven.
Ito ay para mabigyang daan ang pag-upo ng bagong halal na papalit sa kaniya na si Magdalena Anderson na siyang magiging kauna-unahang babaeng Prime Minister ng bansa.
Si Anderson na kasalukuyang finance minister ay nahalal bilang mamumuno sa Social Democratic Party noong nakaraang linggo.
Sinabi noong nakaraaang buwan ni Lofven na bababa ito sa puwesto sa Nobyembre para mabigyan ng sapat na panahon ang susunod sa kaniya sa Setyembre 2022 general elections.
Kailangan ng Social Democrats ang suporta ng Green Party coalition partners at ang Left and Center parties para makapili ng bagong prime ministers.
Tiniyak naman ng Center Party at Left na kanilang susuportahan si Anderson sa pagka-Prime Minister.