Sinuspindi ng top court ng Thailand ang kanilang prime minister na si Prayuth Chan-ocha sa kanyang official duty dahil sa isyu ng kanyang sobrang panunungkulan sa puwesto.
una nang nang nagreklamo ang oposisyon sa korte dahil daw sa pagiging overstaying na sa kanyang opisina ni PM Prayuth.
Batay kasi sa constitution ng Thailand, nililimitahan ang termino ng kanilang prime minister hanggang sa walong taon lamang.
Kung ipapaalala si Prayuth Chan-ocha ay nang-agaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng military coup noong taong 2014.
Hanggang sa mananatili muli ito sa puwesto noong 2019 sa ilalim naman ng military government na nagpatupad ng halalan.
Sa kabila nito wala pang pinal na desisyon ang korte, pero suspindido muna ang prime minister habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.
Bago ito ilang mga nagpoprotesta ang nagtipon din sa labas ng parliament building sa capital city na Bangkok.
Ilang mga opponents at activists ang nagsusulong para sa pagpatalasik sa prime minister dahil bilang junta leader mula noong 2014 ay dapat nagtapos na ngayong linggo ang kanyang termino.
Pero giit ng kanyang mga supporters kung mananalo siya sa halalan muli, maari raw magsilbi pa siya ng hanggang 2027.