CENTRAL MINDANAO- Isang terorista ang nahuli ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Norhasim Esmael alyas Momong Esmael, 25 anyos,may asawa at residente ng Maguindanao.
Ayon kay Isulan Chief of Police,Lieutenant Colonel Modesto Carrera na nahuli ang suspek nang pinagsanib na pwersa ng Special Action Force, SAF Battalion, Sultan Kudarat Intelligence Unit, Ampatuan Intel Unit, Sultan Kudarat Highway Patrol Group at Isulan MPS sa Brgy Poblacion Isulan Sultan Kudarat.
Si Esmael ang itinurong prime suspect sa pambobomba
sa Isulan Sultan Kudarat noong 2018.
Ang suspek ay myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng pamumuno ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.
Nahaharap si Esmael sa 5 counts of complex murder with multiple frustrated murder na inisyu ng korte sa Isulan.
Sa kasalukuyan ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Isulan PNP at nakatakdang i-presenta sa korte ngayong araw.