-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na arestado na ang prime suspect sa pagpatay kay Father Richmond Nilo sa Nueva Ecija.

Kinilala ni Albayalde ang suspek na si Adell Roll Milan, na naaresto ng mga pulis sa Barangay Malapit, San Isidro, Nueva Ecija bandang alas-6:30 kagabi.

Sinabi ni PNP chief na positibong kinilala ng altar boy ang naturang suspek.

Nakatakda namang magsagawa ng press conference ang PNP sa Nueva Ecija kaugnay sa pagkaka-aresto kay Milan.

Nabatid na tatlo ang posibleng motibo na iniimbestigahan ng Special Investigation Task Group sa pagpatay sa pari: away sa lupa, pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestya, at alitan sa relihiyon.

Una ng sinabi ni Albayalde na limang indibidwal ang kanilang kinukunsiderang persons of interest sa pagpatay sa pari.