Hawak na ngayon ng Pasig Police ang suspek sa pagpatay sa 22-anyos na bank employee na pinatay at sinunog ang katawan matapos gahasain.
Ayon Kay Pasig Police Chief PSSupt.Orlando Yebra, batay sa inilabas na resulta ng PNP Crime laboratory na tumugma ang fingerprints ng primary suspek na si Randy Oavenada na nakita sa cellphone ng biktima na si Mabel Cama.
Dagdag pa ni Yebra positibo din sa paggamit ng iligal na droga o shabu ang suspek patay sa isinagawang drug test examination sa sa suspek.
Kasalukuyang naka kulong ngayon sa Pasig Police detention cell ang suspek at nakatakdang iinquest bukas Monday, November 20,2017.
Inihayag din ni Yebra na may isa pang suspek ang pinaghahanap sa ngayon ng Pasig police.
Ayon sa PNP, batay sa pahayag ng isang saksi na huling nakakitang buhay ang biktimang si Mabel Cama na kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nuong Nobyembre 10 ng gabi.
Ilang lalaki din umano ang umaaligid noon sa biktima.
Nitong Nobyembre 12, natagpuan ang halos hubad na bangkay ni Cama sa isang abandonadong office building, 40 metro ang layo mula sa kanyang bahay.