-- Advertisements --
Prince Andrew
Prince Andrew/ IG post

Pormal nang bumaba sa kaniyang public duties si Prince Andrew ng Britanya.

Kasunod ito sa alegasyon na nakipagtalik siya sa isang 17-anyos na dalagita na ipinakilala umano ni US Financier Jeffrey Epstein.

Ang nasabing alegasyon ay yumanig sa Royal Family kaya nagdesisyon ang pangalawang anak ni Queen Elizabeth na bumaba na lamang sa puwesto.

Tiniyak naman ni Prince Andrew na makikipagtulungan ito sa anumang gagawing imbestigasyon sa kaniya.

Magugunitang nagpakamatay sa kaniyang kulungan si Epstein habang hinihintay ang desisyon sa kaso nito.