Inireklamo ng sekswal na pang-aabuso si Prince Andrew, ang Duke of York sa Britanya.
Ibinunyag ng isang babae na tatlong pagkakataon siya nakaranas ng “sekswal na pang-aabuso” at naging biktima siya ng sex trafficking sa yumaong financier ni Prince Andrew na si Jeffrey Epstein.
Sa isang civil complaint na inihain sa U.S. District Court in Manhattan, sinabi ni Virginia Giuffre, 38, na ang pang-aabuso ng Duke ng York, ang pangalawang anak ni Queen Elizabeth, ay naganap dalawang dekada na ang nakalilipas, nang siya ay wala pang 18-anyos at inaabuso rin siya ni Epstein.
Aniya, papanagutin niya si Prince Andrew sa ginawa nito sa kaniya.
Si Giuffre ay dating kilala bilang Virginia Roberts.
“I am holding Prince Andrew accountable for what he did to me. The powerful and rich are not exempt from being held responsible for their actions,” ani Giuffre sa statement. “I hope that other victims will see that it is possible not to live in silence and fear, but to reclaim one’s life by speaking out and demanding justice.”
Sa ngayon, hindi pa nagbigay ng komento ang mga tagapagsalita at abogado para kay Andrew.
Nauna nang sinabi ng prinsipe sa isang panayam noong 2019 na wala siyang naalala na nakilala niya si Giuffre, at pinasisinungalingan din nito ang reklamong pang-aabuso.
Si Prince Andrew, 61, ay isa sa mga kilalang tao na ini-link kay Epstein sa Manhattan federal prosecutors noong Hulyo 2019 na may sekswal na pagsasamantala sa dose-dosenang mga batang babae at kababaihan.
Si Epstein, isang registered sex offender ay nagpakamatay sa edad na 66 sa isang bilangguan sa Manhattan noong Agosto 10, 2019, habang naghihintay ng kaniyang paglilitis. (with reports from Bombo Jane Buna)