-- Advertisements --

Aabot sa $16.3 miilyon ang halaga ng pakikipag-ayos ni British royal Prince Andrew sa nagsampa ng kaso ng kaniyang sexual assault.

Kinumpirma ito ng abogado ng isang American accuser na si Virginia Giuffre.

Bukod pa sa nasabing halaga ay hind na nagbigay pa ng anumang detalye ang panig ng biktima.

Base sa reklamo ni Giuffre ay nakipagtalik ito kay Andrew noong ito ay 17 anyos pa lamang matapos na nakilala sa pamamagitan ng namayapang si US financier na si Jeffrey Epstein.

Magugunitang si Epstein ay nagpakamatay sa loob ng kulungan habang hinihintay ang pagdinig sa sex crime laban sa kaniya.

Mula noon ay walang anumang kaso ang isinampa kay Andrew kung saan mariing pinabulaanan nito ang nasabing alegasyon.