Inutusan umano si Prince Andrew na tanggalin ang kaniyang opisina sa loob ng Buckingham Palace matapos nitong ianunsyo ang kaniyang pormal na pagtalikod mula sa mga tungkulin nito.
Ayon sa inilabas na report, si Queen Elizabeth mismo ang nagbigay sa Duke of York ng kaniyang walking papers kasabay nang patuloy nitong pagharap sa mga kritisismo at alegasyon dahil sa di-umano’y pakikipagtalik nito sa isang menor-de-edad.
Sa huling interview na ginawa ng 59-anyos na prinsipe, sinibukan nitong ilahad ang kaniyang New York trip alibi mula sa Epstein scandal. Dito ay iginiit ni Prince Andrew na kasama niya sa buong trip ang former diplomat na si Sir Thomas Harris, consul-general ng New York.
Tinaliwas naman ni Harris, 74, ang mga pahayag ng prinsipe at sinabi nito na hindi umano niya naaalala na nakitira si Prince Andrew sa kaniyang bahay.
Sinabi rin nito na imposible ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya ng biktima na si Virginia Roberts Giuffre.
Ayon pa sa prinsipe, hindi raw niya matandaan na nakilala niya si Giuffre.
Sa kabila nito, patuloy pa rin na nakasaad sa mga court filings ni Giuffre na ang convicted sex offender na si Jeffrey Epstein ay pinilit siya na makipagtalik kay Prince Andrew ng tatlong beses.