-- Advertisements --

LONDON – Nakatakdang binyagan sa isang pribadong seremonya sa Windsor Castle ang dalawang buwang anak nina Prince Harry at Meghan Markle sa araw ng Sabado.

Sa anunsyo ng Buckingham Palace, pangungunahan ni Archbishop of Canterbury Justin Welby ang seremonya sa Private Chapel ng kastilyo.

Mananatili naman daw na pribado ang pagkakakilanlan ng magsisilbing godparents ni Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Una rito, binatikos ng ilang mga grupo ang royal pair sa pagtanggap ng pampublikong pondo para sa kanilang kasal at sa pag-renovate ng bago nilang tirahan, ngunit hindi raw nila ipinasilip ang pagdating sa seremonya ng sanggol at ng kanyang mga magulang.

Maaalalang ikinasal sa Windsor Castle ang Duke and Duchess of Sussex noong nakaraang taon, at isinilang naman nitong Mayo si Archie. (Reuters)