-- Advertisements --

Hindi pa ring tuluyang gumagaling si Prince Charles matapos na ito ay nadapuan ng coronavirus noong buwan ng Marso.

Ibinunyag nito na hindi pa bumabalik ang kaniyang pang-amoy ng bumisita ito sa Gloucestershire Royal Hospital.

Kasama nitong bumisita si Duchess of Cornwall kung saan mayroong 2 meter na distansya sila.

Sinabi ni Jeff Mills ang healthcare assistant mula sa Cheltenham General Hospital na naging masigla naman si Prince Charles at inaasahan na babalik din agad ang kaniyang pang-amoy at panlasa.

Magugunitang na-diagnosed na positibo sa COVID-19 ang 71-anyos na si Prince Charles at sinasabing nawala ang pang-amoy nito na siyang sintomas ng nasabing virus.