-- Advertisements --

Naka-house arrest na ang dating crown prince ng Jordan na si Prince Hamzah bin Hussein bilang bahagi ng crackdown sa mga kritiko.

Inakusahan kasi nito ang kaniyang half-brother na si King Abdullah ng kurapsyo, incompetent at harassment.

Kabilang si Hamzah sa ilang mga inaresto dahil umano sa coup plot.

Mariing pinabulaanan naman ng militar na nasa house arrest si Prince Hamzah.

Nagsimula ang hakbang na i-house arrest si Prince Hamzah ng bumisita ito sa tribal leaders at nakakuha ito ng suporta.

Pinabulaanan naman ni Prince Hamzah ang alegasyon dahil wala itong ginagawang mali at hindi ito bahagi aniya sa anumang conspiracy.