-- Advertisements --

Nakatutok ngayon ang buong mundo sa nakatakdang pagpapalabas ng panayam ng kilalang TV host na si Oprah Winfrey kay Prince Harry at Meghan ang Duchess of Sussex.

Inaasahan kasi na ilalahad ng dalawa ang kanilang hinaing sa Buckingham Palace na naging dahilan ng kanilang pag-alis at mamuhay ng pribado sa US.

Mabibigyang linaw din dito ang alegasyon kay Meghan sa pananakit at pang-aabuso umano sa kaniyang mga staff na nauna pinabulaanan ng kaniyang staff at sinabing ito ay isang uri ng paninira lamang.

Hindi naman nagpakitang interest ang Buckingham Palace kung saan abala si Queen Elizabeth II sa pag-alaga sa asawa nitong si Prince Philip na sa kasalukuyan ay nasa pagamutan pa rin.

Magugunitang nagdesisyon ang dalawa na umalis sa kanilang Royal duties matapos ang naging desisyon sa pag-alis sa palasyo.