-- Advertisements --

Nagpaalam na sina Prince Harry at Meghan ang Duchess of Sussex kay Queen Elizabeth na hindi na sila babalik bilang miyembro ng British royal family.

Ayon sa Buckingham Palace, na kanila ng tatanggalin na ang honorary military appointments at royal patronages na hawak ng Duke and Duchess of Sussex.

Ipapamahagi na lamang nila ang mga ito sa mga working members ng royal family.

Kinumpirma rin ni Queen Elizabeth na kapag lumayo na sa trabaho sa Royal Family ay tiyak na hindi na magagampanan ang trabaho.

Tiniyak ng Buckingham Palace na kahit na sila nalungkot sa desisyon ng dalawa ay mananatili pa rin silang pinakamamahal na miyembro ng pamilya.