-- Advertisements --

Ibinahagi na sa publiko ng mag-asawang Duke at Duchess of Sussex ang kauna-unahang larawan ng ikalawang anak nila na si Lilibeth.

Makikita ito sa inilabas nilang Holiday card kung saan hawak ni Prince Harry ang panganay nilang 2-anyos na na si Archie habang si Meghan Markle ay hawak si Lilibeth.

Nakasulat sa card ang pagbati ng pamilya ngayong Holiday Season.

Kinunan ang larawan sa kanilang tahanan sa Santa Barbara, California.