-- Advertisements --

Ibinahagi ni Prince Harry ang Duke of Sussex kung paano nito nalaman na mayroong cancer ang amang si King Charles III.

Sinabi nito na mula ng iparating sa kaniya ang impormasyon ay hindi ito agad nagdalawang isip at bumalik ito sa United Kingdom.

Ito ang unang pagkakataon na nagkuwento si Prince Harry mula ng pumutok ang balitang dinapuan ng cancer ang ama.

Ikinagalak niya na parang tila walang epekto ang nasabing cancer sa ama nito.

Hindi naman nito ikinaila na nais niyang magpa-US citizen.

Magugunitang na-diagnosed ng cancer si King Charles mula ng ito ay magpasuri sa kaniyang lumalaking prostate.