Binasag na rin ni Prince Harry o Duke of Sussex ang kanyang pananahimik kaugnay ng kontrobersiya na kanyang pagbitaw sa tungkulin bilang prinsipe at ang kanyang asawa na si Meghan sa mga royal titles.
Emosyunal at puno ng kalungkutan na nagsalita si Harry sa isang fund-raising reception sa central London para sa Sentebale, ang charity na kanyang co-founded na tumutulong sa mga bata na may HIV sa southern Africa.
Sa unang bahagi pa lamang ng kanyang talumpati, agad na niyang sinabi na katotohanan lamang ang kanyang sasabihin hindi bilang isang prinsipe kundi bilang simple na si “Harry.”
“I have accepted this, knowing that it doesn’t change who I am or how committed I am. But I hope that helps you understand what it had to come to, that I would step my family back from all I have ever known, to take a step forward into what I hope can be a more peaceful life.”
Ayon sa kanya, mananatili ang kanyang respeto sa kanilang lola si Queen Elizabeth bilang kanyang commander-in-chief.
Mananatili umano ang kanyang pagserbisyo sa Queen, sa commowealth at sa mga asosasyon ng military na walang public funding. Gayunman hindi umano ito ganon kadali.
“Our hope was to continue serving the queen, the Commonwealth and my military associations without public funding. Sadly that wasn’t possible.”
Si Harry sana ang pang-anim sa korona sa kanilang pamilya.
Inamin naman ni Harry na hindi naging madali ang kaniyang desisyon dahil inabot ito ng buwan sa pakikipag-usap.
Kasabay nito ang kanyang pagtiyak na hindi naman sila tuluyang lalayo. Ang UK aniya ang kanilang tahanan at mananatiling mahal niya ito.
“As far as this goes, there really was no other option,” paliwanag pa nito.
Una rito sa mga susunod na buwan, tatanggalin na kay Harry ang titulo na His Royal Highness (HRH), mga royal duties, at wala na ring official military appointments.
Hindi na rin sila gagastuhan ng pondo mula sa public funding at magbabayad din sa ipinagawang bahay sa UK.
Batay daw sa kasunduan, si Harry ay mananatiling prinsipe gayundin ang kanilang mga titulo na Duke at Duchess of Sussex.
Hindi na rin silang magiging bahagi ng mga ceremonial events o o kaya royal tours.
Samantala, inaasahang sa mga susunod na araw ay lilipad na si Harry patungong Canada upang makasama si Meghan at baby na si Archie.