-- Advertisements --

Mayroon ng bagong trabaho si Prince Harry ang Duke of Sussex.

Itinalaga kasi itong chief impact officer ng BetterUp ng Silicon Valley sa California.
Ang BetterUp ay nagbibigay ng coaching at mental health services sa kanilang mga kliyente.

Itinuturing na isang humanitarian, military veteran, mental wellness advocate at environmentalist.

Sumali si Harry sa startup ilang linggo matapos na isawalat ng asawa nitong si Meghan, ang Duchess of Sussex, ang ilang mga anomalya gaya ng pagiging racist ng Royal Family ng hindi kilalanin ang anak nila.

Ayon sa CEO ng kumpanya na si Alexi Robichaux na umaasana mayroong mabigat na trabaho si Prince Harry.