-- Advertisements --
Nakabalik na sa United Kingdom si Prince Harry para makilamay sa pumanaw na lolo nitong si Prince Philip.
Mula Los Angeles ay dumating siya sa Buckingham Palace lulan ng British Airways flight.
Hindi naman kasama ang asawa nitong si Meghan dahil nagdadalang-tao ito at pinayuhan doctor na huwag bumiyahe.
Kinailangan pa nito na mag-quarantine pagdating sa UK dahil sa ipinapatupad na protocol doon.
Si Prince Philip na asawa ni Queen Elizabeth II ay pumanaw sa edad na 99 noong nakaraang linggo.
Magugunitang naging kontrobersyal ang mag-asawa ng ibunyag nila ang pagiging racist ng palasyo matapos na hindi kilalanin ang anak nila dahil sa ibang kulay nito.