-- Advertisements --
Ibinunyag ni Prince Harry na nagkausap na sila ng kaniyang kapatid na si William at amang si Charles.
Sinabi nito na hindi gaanong mabunga ang naging pag-uusap.
Isinagawa nito matapos ang pagbubunyag ng mag-asawang si Meghan Markle at Prince Harry ang pagkakaroon ng racist ng Royal Family.
Dagdag pa nito na tila nasira na ang relasyon nilang magkapatid at pati sa kanilang ama.
Nauna ng pinabulaanan ng Buckingham Palace ang nasabing alegasyon at sinabing patuloy pa rin nilang mamamahalin ang anak nina Prince Harry at Meghan.