-- Advertisements --
trump queen

Lumutang ngayon ang isyu sa Britanya na sinadyang iwasan umano ni Prince Harry na makatabi at magkaroon ng larawan sa kontrobersiyal na si US President Donald Trump.

Kung maaalala bago ang state visit ni Trump sa UK, ay napaulat na tinawag umano niya si Meghan Markle, ang misis ni Harry bilang “nasty.”

Nitong nakalipas na araw matapos ang luncheon kay Queen Elizabeth ay binigyan ng royal family ng tour sina Trump at US first lady Melania Trump sa exhibit ng US artifacts mula sa The Royal Collection.

Ayon sa mga observers, halatang umiiwas na mapalapit at makunan ng larawan si Prince Harry na kasama si Trump.

Isa umano sa taktika ni Harry ay ang hindi pag-alis sa kanyang puwesto at masusing kausap lamang si Ivanka Trump.

Ang posisyon ni Harry ay nasa dulong bahagi na likuran ng Presidente.

Meron namang lumutang na larawan pero nasa likod ni Trump ang Duke of Sussex at malayo ito.

Sa naging panayam ni Piers Morgan para sa TV program na “Good Morning Britain” inilarawan ni Trump si Prince Harry bilang isang “terrific guy”.

Itinanggi na rin ni Trump na tinawag niyang “nasty” si Meghan at isa raw itong “fake news.”