Surpresang binisita ni Prince Harry ang mga biktima ng giyera sa Ukraine.
Ayon sa tagapagasalita nito na ang pagbisita ay bahagi ng kaniyang pakikipagtrabaho sa mga sugatang war veterans.
Tinungo nito ang Superhumans Center, na isang orthopedic clinic sa Lviv kung saan doon dinadala ang mga sugatang sundalo at sibilyan.
Tinignan nito ang mga makabagong teknolohiya na nagbibigay ng prosthetics, reconstructive surgery at psychological na tulong kung saan ito ay libre.
Ang Duke of Sussex ay nagsilbi ng 10 taon sa British Army kung saan kilala siya pagtulong sa mga nasugatang sundalo.
Itinatag niya ang Invictus Games noong 2014 na katulad din ng Paralympics pero ang mga kasali ay mga sugatang sundalo.
Hindi na bago ang 40-anyos na si Harry sa giyera dahil nagsilbi ito ng dalawang taon sa Afghanistan kung saan sumakay pa ito ng Apache helicopter bilang copilot gunner.
Siya ang pangalawang miyembro ng Royal Family na bumisita sa Ukraine na ang una ay ang tiyahin nito na si Sophie ang Duchess of Edinburgh noong nakaraang taon.