-- Advertisements --

Makakasama ni Queen Elizabeth II sina Prince of Wales at Duchess of Cornwall sa araw ng Pasko.

Ito ay kasunod ng inanunsiyo ng Buckingham Palace na kinansela na ng Royal Queen ang pagdiriwang ng Pasko sa Sandringham, Norfolk dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron variant.

Dahil dito ay mananatili na lamang sa Windsor Castle si Queen Elizabeth II gaya ng ginawa nito noong nakaraang taon.

Noong nakaraang Linggo kasi ay inanunisyo ng Reyna na hindi na matutuloy ang kaniyang pre-Christmas family lunch.

Hindi naman kinumpirma ng Buckingham Palace kung kasama ba ang Duke at Duchess of Cambridge.