-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan si Prince Philip ang Duke of Edinburgh matapos ang matagumpay na heart procedure.
Noong Pebrero 16 ay dinala King Edward VII hospital sa centerl London ang 99-anyos na si Prince Philip.
Sumailalim ito sa matagumpay na pre-existing heart condition sa St. Bartholomew hospital.
Ayon sa Buckingham Palace, nakabalik na sa Windsor Castle si Prince Philip matapos ang 28 araw na pananatili sa ospital.
Pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagdasal para sa agarang paggaling niya.
Nasa 73 taon na ang pagsasama nila ng asawang si Queen Elizabeth II at nitong Enero ay naturukan na sila ng COVID-19 vaccine.