-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Prince Philip ang mga health workers na lumalaban sa coronavirus pandemic.

Ayon sa 98-anyos Duke of Edinburgh, na sa nalalapit ng World Immunization Week, ay nais nitong pasalamata at kilalanin ang mga paghihirap ng mga health workers para labanan ang pagkalat ng virus.

Maging ang mga nagtatrabaho sa mga food production at distribution ay hindi rin nitong kinalimutang pasalamatan.

Kasalukuyang nasa kanilang residente sa Windsor Castle ang Queen Elizabeth at si Prince Philip.

Magugunitang sa loob na rin ng 68 taon ay hindi ipagdiriwang sa unang pagkakataon ni Queen Elizabeth II ang kaniyang ika-94 kaarawan ngayong Abril 21.