-- Advertisements --

Prince William at Kate Middleton, nagbigay ng public reaction matapos ang deklarasyon ni Queen Elizabeth na gawing queen consort si Camilla kung maging hari na si Prince Charles

Tila tanggap na ng mga tao sa Britanya ang Duchess of Cornwall na si Camilla matapos ang deklarasyon ni Queen Elizabeth na gawin itong Queen Consort kung maging hari na si Prince Charles.

Si Camilla ay binansagan dati bilang marriage wrecker dahil ito umano ang dahilan kung bakit nasira ang pagsasama nina Prince Charles at unang asawa nito na si Princess Diana.

Ayon kay Bombo International Correspondent Ramil Isogon direkta sa United Kingdom, mid-90s pa nang naghiwalay sina Prince Charles at Diana at sa ngayon, tila nakalimutan na ng mga tao ang kontrobersiya at natanggap na si Camilla dahil sa partisipasyon nito sa mga aktibidad ng Royal family at sa mga campaigns.

Nagbigay rin ng public reaction ang anak ang royal couple na sina Prince William at Kate Middleton matapos ang sincere wish ng reyna.

Ni-like ng Duke and Duchess of Cambridge ang post na published sa official Instagram account ni Her Majesty Queen Elizabeth.