Nakiisa sina Prince William at Duchess of Cambridge Kate Middleton sa panghihikayat ng mga celebrity sa publiko na huwag mahihiyang humingi ng tulong sa oras na makaramdam ang mga ito ng depresyon sa gitna ng coronavirus pandemic.
Matagal nang advocate ng mental health awareness ang mag-asawa na prehong ginamit na daan ang radyo upang ipahatid ang kanilang mensahe.
“We’re all connected. And sometimes just talking about how you’re feeling can make a big difference,” saad ni William sa broadcast. “So right now, let’s join together across the U.K. and reach out to someone.”
“If you’re struggling, it’s important to talk about it. Or if someone you know is acting differently, it’s OK to ask how they are,” dagdag naman ni Kate. “Use this moment to send a message.”
Kasama ng mga ito sa Mental Health Minute special broadcast ang iba pang celebrities tulad nina Dua Lipa at aktor na si David Tennant.
Sa ngayon ay namamalagi sina William at Kate sa kanilang bahay sa Anmer Hall sa Norfolk, England kasama ang kanilang tatlong anak na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis.