-- Advertisements --

Ibinunyag ni Prince William na dinapuan ito ng COVID-19.

Ayon sa Duke of Cambridge, nakarecover na ito sa nasabing virus matapos dapuan noon pang Abril.

Nalaman na lamang nito ang pagpositibo sa nasabing virus ilang linggo matapos na dapuan ang ama nito na si Prince Charles.

Ayon sa kampo nito na kaya niya itinago ito sa publiko para maiwasan ang anumang pag-aalalaa ng kaniyang mga mamamayan.

Agad itong nag-isolate mula sa bahay nila sa Norfolk, eastern England matapos ang pagpositibo.

Hindi naman kinumpirma ng Kensingtong Palace kung paano niya ito nakuha ang virus.

Magugunitang noont Marso 25 ay nagpositibo sa virus si Prince Charles matapos na makaranas ng mild symptom at matapos ang ilang araw ay nagpositibo sa coronavirus si British Prime Minister Boris Johnson.