-- Advertisements --

Dumalo si Prince William sa 2024 BAFTA Awards na ginanap sa Royal Festival Hall, London.

Bilang siya ang pangulo ng British Academy of Film and Television Arts mula pa noong 2010 ay taunan itong dumadalo sa nasabing okasyon.

Ang nasabing BAFTA ay kahalintulad ng Academy Awards o Oscars ng US.

Ngayon taon ay mag-isa lamang ito ng dumalo hindi gaya noong nakaraang mga taon na kasama ang asawang si Catherine ang Princess of Wales na kasalukuyan ay nagpapagaling matapos operahan sa tiyan.

Inaasahan na makakabalik sa kaniyang tungkulin si Princess Catherine sa buwan pa ng Abril kaya si Prince Williams ang nag-aalaga ng kanilang mga anak na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis.