-- Advertisements --

Nakatakdang magtrabaho bilang contractual employee sa Japan Red Cross Society ang kaisa-isang anak nina Emperor Naruhito at Empress Masako na si Princess Aiko mula Abril pagkatapos nitong magtapos sa kolehiyo.

Dahil dito, pagsasabayin ng prinsesa ng Japan ang kanyang responsibilidad bilang bahagi ng imperial family at ang kanyang magiging trabaho sa Red Cross Society. 

Sa inilabas na pahayag ng Imperial Household Agency, sinabi ni Princess Aiko na matagal na siyang interesadong magtrabaho sa naturang ahensya at siya’y masaya at determinado na makatulong sa mga tao at sa bansa. 

Suportado naman ng kanyang mga magulang ang naging desisyon ng Prinsesa at umaasang pag-iigihan nito ang magiging trabaho sa Red Cross Society. 

Si Princess Aiko ay pinsan ni Princess Mako na naging usap-usapan matapos piliin nitong iwanan ang kanyang royal status para magpakasal sa isang ordinaryong Hapon.