-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si Princess Anne ang kapatid na babae ni King Charles III.

Itinakbo kasi sa pagamutan ang 73-anyos na si Princess Anne matapos na maaksidente habang lulan ng kaniyang kabayo sa Gloucestershire, western England.

Ipagpapatuloy na lamang nito ang kaniyang gamutan at paggaling sa kanilang bahay sa Gatcombe Park home .

Pinasalamatan naman ng asawa nitong si Vice-Adm. Tim Laurence ang mga medical staff dahil sa pag-alaga kay Princess Anne.