-- Advertisements --

Balik trabaho na si Catherine , Princess of Wales matapos na makumpleto nito ang kaniyang chemotherapy treatment.

Agad na nakipagpulong ang 42-anyos sa ilang mga katao sa Windsor Castle.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo niya na tapos na ang kaniyang pagsasailalim ng chemotherapy.

Kasama ng kaniyang asawang si Prince William ay naglabas sila ng video para kumpirmahin ang paunti-unting paggaling niya.