-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Catherine ang Princess of Wales na tapos na ang kaniyang pagsasailalim sa chemotherapy.

Sa pamamagitan ng isang video ay isinagawa ang anunsiyo na kaniyang ipinost sa social media nito.

Ganito rin ang ginawa noong nakaraang anim na buwan noong sumasailalim siya ng chemotherapy.

Kasama ng 42-anyos na princess ang asawang si Prince William at mga anak nila.

Umani naman ito ng mga papuri sa publiko dahil sa nagustuhan nila ang pakikipag-usap nito sa kanila.

Dagdag naman ng asawa nitong si Prince William na malayo pa ang tatahakin ng asawa dahil hindi pa ito tuluyang gumagaling.