-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling sa pagamutan matapos na sumailalim sa operasyon si Catherine ang Princess of Wales.

Ayon sa Kensington Palace na naging matagumpay ang ginawang abdominal surgery ng 42-anyos na si Princess Catherine.

Pinayuhan ito ng mga doctor na magpagaling sa pagamutan sa London Clinic ng 10 hanggang 14 na araw.

Dahil dito ay kinansela niya ang ilang mga public engagement.