-- Advertisements --

Nagtungo na sa US si dating Japanese princess Mako kasama ang kaniyang asawa na si Kei Komuro.

Ang paglipad ng dalawa ay matapos ang kanilang pag-iisang dibdib noong nakaraang buwan.

Magrerenta aniya sila ng apartment sa New York kung saan nagatatrabaho ang asawa nito sa isang law department.

Base sa batas ng Japan na ang babaeng miyembro ng imperial family ay mawawalan ang kanilang estado kapag sila ay ikinasal na sa “commoner” o ordinaryong tao na walang katayunan sa lipunan.

Bantay sarado ang dalawa ng mga kapulisan habang sila ay nasa departure area ng paliparan.