-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa isang principal ng Luna National High School sa Kapalong Davao del Norte.

Kahit nagtamo ng sugat sa kanyang tainga, suwerte umano ang biktima dahil sa cellphone nito tumama ang bala.

Nakilala ang nasabing biktima na si Apollos M. Beltran residente ng Brgy. Mabantao Kapalong Davao del Norte.

Sa imbestigasyon ng otoridad, habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ang biktima sa may crossing Clementa Maniki Kapalong sa nasabing lalawigan, bigla na lamang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo ang pinagbabaril ang biktima.

Agad na tinulongan si Beltran at dinala sa hospital.

Inaalam pa ngayon ng otoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril pati na ang motibo ng krimen.