-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga otoridad ang isang high value target sa pagbebenta ng pinagbabawal na droga sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Mirimar Elementary School Principal Nasser Kali Tando,54 anyos at residente ng Brgy Poblacion 2 Parang Maguindanao.

Ayon kay Parang Chief of Police,Lieutenant Colonel Ibrahim Jambiran na nagsagawa sila ng buybust operation sa loob mismo ng paaralan.

Nagpositibo sa test buy ng shabu sa police assets ang suspek kaya agad sinalakay ng mga otoridad ang kanyang tanggapan.

Nakuha sa posisyon ng principal ang apat na medium size plastic sachet na naglalaman ng shabu,mark money at drug paraphernalia.

Ang principal ay nagbebenta mismo ng shabu sa kanyang mga estudyante at matagal nang minamanmanan ng mga pulis.

Sa ngayon ay nakapiit na ang principal sa costudial facility ng Parang MPS at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.