-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakadetine sa ngayon ang isang principal matapos itong mahulian ng mga iligal na baril at granada sa bayan ng Rosario, Northern Samar.

Kinilala ang suspek na si Nestor Balando Ada, 55-anyos, residente ng Brgy. San Miguel Heights, bayan ng Laoang.

Ayon kay PMaj. Anthony Din, imbestigador ng Northern Samar Police Office (NSPPO), kasama sa mga nakumpiska kay Ada ang isang Colt Defender Series 80 .45-caliber, isang short steel magazine, apat na live ammunition at isang hand grenade.

Nananatili naman sa ngayon ang naturang principal sa NSPPO Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3A of Republic Act 9516.