Pumayag na umano ang NorthPort Batang Pier na ibigay sa Barangay Ginebra si star guard Stanley Pringle.
Batay sa source, sa ilalim ng kasunduan ng dalawang koponan, makukuha rin ng Gin Kings ang fourst-round pick ng Batang Pier sa draft, kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz, at Kevin Ferrer.
Naglista ng average na 14.5 points, 2.5 assists, at 2.0 rebounds sa dalawang laro si Pringle, na hindi sumabak sa unang laro sa Commissioner’s Cup kasunod ng pagsailalim nito sa ankle surgery.
Nakaramdam itong muli ng pananakit sa kanyang bukong-bukong kaya hindi ito muling nakalaro sa huling tatlong games ng NorthPort.
Inaasahang palalakasin pa nang husto ni Pringle ang opensa ng Gin Kings, na pinamumunuan nina Justin Brownlee, Japeth Aguilar, Greg Slaughter at LA Tenorio.
Posible rin aniyang dumalo na sa kanyang unang praktis sa Ginebra si Pringle sa Miyerkules, bilang paghahanda sa sunod nilang game kontra sa NLEX sa araw ng Linggo sa Batangas City.