-- Advertisements --
princess maria
Princess Maria Teresa of Bourbon-Parma, Spain

Naitala sa Spain ang kauna-unahang miyembro ng royal family na namatay dahil sa coronavirus.

Si Princess Maria Teresa ng Bourbon-Parma ay pumanaw na sa edad na 86-anyos.

Ang pagkamatay nito ay inanunsiyo ng kanyang kapatid sa pamamagitan ng Facebook na si Prince Sixto Enrique de Borbon ng Duke of Aranjuez.

“On this afternoon… our sister Maria Teresa de Borbon Parma and Borbon Busset, victim of the coronavirus COVID-19, died in Paris at the age of eighty-six.”

Si Princess Maria Teresa ay pinsan ng King ng Spain na si King Felipe VI.

Bago ito isang linggo na ang nakakalipas nang sumailalim din sa test si King Felipe pero nagnegatibo naman ito sa virus.

Spanish Princess Maria Teresa
86-yr. old Princess Maria Teresa of Bourbon-Parma (photo courtesy Wkipedia)

Si Princess Maria Teresa ay nag-aral sa France at naging propesor sa Paris’ Sorbonne gayundin bilang professor of Sociology sa Madrid Complutense University.

Sinasabing kilala ito sa pagiging hayagan sa pagpapaabot ng kanyang mga saloobin at “activist work” kaya naturingan siya bilang “Red Princess.”

Kung maaalala ang first British royal na nagpositibo sa COVID-19 ay si Prince Charles,
ang panganay na anak ni Queen Elizabeth II.

Nitong buwan din si Prince Albert ng Monaco ay kinumpirma rin na tinamaan siya ng COVID-19.

Samantala, nitong nakalipas na 24 oras umabot sa 546 ang panibagong naitala na mga namatay dahil sa COVID sa Spain.

Bunsod nito meron nang kabuuang 5,562 ang mga namamatay sa naturang bansa.

Habang ang mga kaso ay umakyat na rin sa 78,797.