Nakipagharap kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kay His Highness Shaikh Khalid bin Hamad Al Khalifa, prinsipe ng Bahrain at siya ring First Deputy President ng Supreme Council for Youth and Sport sa Palasyo ng Malacanang.
Sa naturang meeting, ipinaabot ni Shaikh Khalib ang pagbati mismo ni King Hamad bin Isa Al Khalifa, hari ng Kingdom of Bahrain kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang hangarin para sa kanyang magandang kalusugan, kaligayahan at tagumpay sa hinaharap.
Dagdag nito na ikinatutuwa niya ang magandang samahan ng Pilipinas at Bahrain.
Layunin din ng nasabing meeting na paunlarin pa ang samahan ng dalawang bansa lalo na sa larangan ng sports.
Sa kanyang panig, naghayag naman ng kanyang pasasalamat si Pangulong Duterte kay Shaikh Khalid at hangad din nito ang matagumpay na kinabukasan para sa kanyang nasasakupan.
Ayon pa kay Duterte, nagbukas ng maraming oportunidad ang pagkakaibigan ng dalawang bansa na mas lalong nagpatibay sa samahan nito.