-- Advertisements --

Nagpakasal na si Brunei Prince Abdul Mateen at ang commoner fiancee na si Yang Mulia Anisha sa isang Islamic wedding ceremony, kahapon.

Si Mateen ang ika-10 na anak ng Sultan ng pinaka mahabang monarkiya sa mundo. Nagtatrabaho rin siya para sa international diplomacy ng Brunei.

Bukod sa pagganap niya sa mga tungkulin bilang prinsipe ng bansa, nirepresenta rin niya ang Brunei sa 2019 Asian Games sa sports na polo.

Si Anisha naman ay anak ng isa sa mga advisers ng hari ng Brunei. Nagmamay-ari din ang naturang bride ng isang tourism agency at fashion brand.

Sinubaybayan ng mga Brunei citizens ang royal wedding, na ayon pa sa kanila, ang kwento ng pag-iibigan ng royal couples ay napapanood lang nila noon sa mga palabas.

Naging tampok din ng usapan ang kasal ni Mateen at Anisha sa social media dahil sa malakas na social media presence at social media followeers ng prinsipe.