-- Advertisements --
Nagbabala ang prinsipe ng Saudi Arabia na si Mohammed bin Salman sa posibilidad ng lalong pagtaas sa presyo ng krudo kung hindi kaagad masosolusyunan ang problema sa Iran.
Ayon sa prinsipe, kung sakali raw na mauwi sa gyera ang Saudi Arabia at Iran ay magkakaroon ito ng malaking epekto sa global economy.
Kasunod ito ng nakaraang pag-atake sa dalawang major oil facilities sa Saudi na Tehran ang itinuturong nasa likod nito.
Dagdag pa ni Salman, mas nais umano nito na magkaroon ng political at peaceful solution kaysa daanin ito sa salpukan ng kani-kaniyang military force.
Hinikayat din nito ang buong mundo na manindigan sa kanilang aksyon upang hadlangan ang Iran sa mas nagiging agresibo nitong pag-atake.