-- Advertisements --
Mas bibilis pa sa mga susunod na araw ang ballot printing para sa 2019 midterm elections.
Ito ang inanunsyo ni Comelec Spokesman James Jimenez dahil parating na raw ang dagdag na printers na magagamit ng National Printing Office (NPO).
Sa ngayon aniya ay 1.1 million ang naililimbag na balota, bagay na mas mabilis kumpara sa dati nilang inaasahan.
Ang 30 porsyento umanong naimprenta mula sa kabuuang 64 million ay nakalaan para sa overseas absentee voting (OAV), Bangsamoro at iba pang malalayong lugar.
Nabatid na mga balota na para sa Region 8 o Eastern Visayas ang nakasalang ngayon, habang pinakahuling ililimbag ang para sa Metro Manila.
Positibo si Jimenez na matatapos ang ballot printing sa huling bahagi ng Marso o unang linggo ng Abril 2019.